GF, sa kumalat na nakipag-one-night stand daw sa iba… Ronnie, umaming muntik nang hiwalayan si Loisa
- Ronalyn Seminiano
- Feb 9, 2020
- 2 min read
Ronalyn Seminiano / Showbiz Trend

Sa programa ni Tito Boy Abunda na Tonight with Boy Abunda noong Feb. 7, inulit ni Ronnie Alonte ang pag-amin na maraming beses na niyang muntik sukuan ang relasyon nila ni Loisa Andalio.
Sabi ni Ronnie, “Siguro po, sa mga nangyayari, sa mga nangyari sa amin na pagsubok dati, natutunan ko lang ho doon na, parang, ‘pag nagmahal, kailangan mo talagang magbigay. Kailangan mong magtiwala. Kasi hindi naman ho kayo magtatagal kung wala lahat ‘yun.”
Inamin ni Ronnie na muntik na silang maghiwalay ni Loisa nu’ng 2018 matapos kumalat ang balitang nakipag-one-night stand daw sa isang non-showbiz guy ang magaling na aktres. Mabilis namang pinabulaanan ni Loisa ang isyu na ‘yun at that time pala ay 2 years na ang kanilang relasyon.
Last year naman, 2019, matatandaang may kumalat na video scandal si Loisa pero hindi pa rin nito napabagsak ang matibay na pagmamahalan ng dalawa.
Sey pa ni Ronnie sa TWBA, “‘Yang relationship, kailangan mo talagang magbigay, eh. Bigayan kayo. Kaya mo nga siya tinanggap, eh. Kailangang tanggapin mo rin siya. Kaya mo siya minahal nang todo kasi tanggap mo siya kung ano man siya, kung ano man ‘yung pagkatao niya, kung ano man ‘yung mangyari, kailangang tanggapin mo siya.
“Nangyari sa amin noon, nu’ng time na ‘yun na parang, ayoko na. Naisip ko na ‘yung mga fans, naisip ko na ‘yung mga pangako ko dati sa social media na ‘Ikaw ang panghabambuhay ko.’
“‘Tapos sinabi ko sa kanya, ayoko na. Ang daming stress na pumasok sa isip ko. Nasabi ko po sa sarili ko nu’ng time na hiniwalayan ko siya, nu’ng time na ayoko na, ‘Pagod na ako, ayoko na.’”
Sabi ni Ronnie, ang mga fans daw ang nagpaalala sa kanya ng mga pangako niya kay Loisa kaya natauhan siya.
Aniya, “Hindi ako sanay na wala siya sa tabi ko lagi. Hindi ako sanay na wala siya. Pagsubok lang ‘yan. Marami pa ‘yan. Maraming, maraming, maraming, maraming beses pang pagsubok ang pagdaraanan n’yo, at handang-handa na ako roon.
“Nasanay na ako na bibigay ako kay Loisa, lahat-lahat na, wala na akong ibinibigay sa sarili ko. Masasabi ko lang po na tanggap ko. Wala mang mapunta sa akin, maibigay ko lang ang pagmamahal na gusto niya, huwag lang niya akong iwan, gagawin ko.” Awww… sana all!





Comments