Bigtime tulak, huli sa buy-bust
- Pabs Hernandez III
- Feb 9, 2020
- 1 min read
Pampanga — Inaresto sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya kamakalawa ang isang bigtime drug pusher sa Bgy. Pulung Maragul, Angeles City.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si Kenneth Ballesteros, 30-anyos, nakatira sa nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, nagsagawa ng buy-bust operation ang pulisya sa nasabing lugar at nang pagbentahan ng shabu ni Ballesteros ang mga operatiba ay dito na siya dinakip ng mga awtoridad.
Nabatid na nakakumpiska ang pulisya ng 180 gramo ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na si Ballestros na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.





Comments