top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

34,546 positibo.. 724 patay sa nCoV

Madel Moratillo
Feb 9, 2020
1 min read

Photo: thesun.co.uk

Umabot na sa kabuuang 724 ang bilang ng nasawi sa China at ibang bansa kaugnay sa 2019 novel coronavirus acute respiratory disease sa loob ng mahigit dalawang linggo.

Umabot naman sa 34,546 ang naitalang kaso sa mainland China. Matatandaang, mas mataas ang nasabing bilang kumpara sa naitalang kaso sa China at Hong Kong dahil sa SARS outbreak.

Samantala, umakyat na sa 64 ang bilang ng mga pasahero ng cruise ship na Diamond Princess na nagpositibo sa nCoV. Dinala na sa ospital ang tatlong nagpositibo ngunit, isa sa kanila ay nasa seryoso umanong kondisyon.

Napag-alaman na marami sa sakay ng cruise ship ay may edad na kaya mataas ang tsansa na magkaroon ng kumplikasyon mula sa virus. Mahigit 3,700 ang pasahero sa nasabing cruise ship kung saan 280 na rito ang sumailalim sa test.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page