top of page
SHEET - CLAUDINE, NAPIKON NA TINAWAG NA BIPOLAR, MAGDEDEMANDA_FB Claudine Barretto.jpeg

‘Mister’ nakaaway.. ‘Misis’ nahulog mula 6th flr. ng building, patay

Mylene Alfonso
Feb 9, 2020
1 min read

Bumulusok mula sa ikaanim na palapag at bumagsak sa ikalawang palapag ng gusali ang 36- anyos na babae matapos ang naganap na pag-aaway sa kanyang live-in partner, kahapon ng umaga sa Tondo, Manila.

Hindi na naisalba ng mga doktor sa Mary Johnston Hospital ang biktimang si Maricel Arellano, cashier at residente ng Josefa Building, Padre Rada St., Tondo.

Batay sa imbestigasyon nina PEMS Donald Panaligan at PSSg Dennis Suba, alas-8:35 ng umaga nang mangyari ang insidente.

Nauna rito, nagtatalo umano ang biktima at ang sinasabing kinakasama nito na si Jose Dandreb Miano, 36, vendor.

Nagkaroon umano ng kalabugan sa loob ng kuwarto at ilang saglit pa ay lumabas umano ng silid ang suspek at naiwan ang biktima.

Ilang saglit pa lamang ang nakararaan nang makarinig umano ng malakas na kalabog at nakitang duguan na ang biktima.

Iniimbestigahan na ng pulisya kung may naganap na foul play sa pagkamatay ng biktima.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page