top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

‘Alden’, tiklo sa shabu

Gina Pleñago
Feb 9, 2020
1 min read

Arestado ang isang mister matapos mahulihan ng hinihinalang shabu na nagkakahalagang P102,000 sa buy-bust operation sa Las Piñas City, kahapon.

Kinilala ni Las Piñas City Police Chief P/Colonel Segundo Lagundi, Jr. ang suspek na si Alden Recto, 40, electrician, ng Bgy. Talon 4.

Base sa ulat ni PSMS. Gilbert Curaza, nagkasa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit sa pangunguna ni Lt. Roberto

Pareño, Jr. laban sa suspek sa bahay nito, ala-1:00 ng madaling-araw.

Hindi na nagawang pumalag ng suspek nang posasan siya ng mga pulis nang bentahan umano nito ng droga ang poseur-buyer sa lugar na sanhi ng kanyang agarang pagkakadakip.

Nasamsam kay Recto ang apat na pakete na naglalaman umano ng shabu at P200 buy-bust money.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page