Turismo, patay sa nCoV
- Editoryal
- Feb 8, 2020
- 1 min read
A patuloy na pagkalat ng 2019 novel coronavirus acute respiratory disease (2019 nCoV ARD), ramdam din ang matinding epekto nito sa turismo ng bansa.
Ayon sa Philippine Tour Operators Association (Philtoa), umabot na sa P10 bilyon ang nawawala sa industriya ng turismo dahil sa kanselasyon ng biyahe ng mga Chinese kung saan 50 porsiyento ang mga kanselasyon sa mga pangunahing destination hub ng mga ito tulad sa Boracay, Bohol, Cebu at Palawan.
Matatandaang, nagpatupad ang ating gobyerno ng travel ban papunta at pabalik ng China upang maiwasan ang paglala ng kaso ng nCoV.
Ang nasabing sitwasyon ay inaasahang magpapatuloy hanggang sa mga susunod na buwan at tiniyak naman ng pamahalaan na pinaghahandaan na ang worst case scenario.
Kung iisipin, sadyang napakalaking halaga ang mawawala sa turismo at damay din ang kabuhayan ng mga kababayan nating umaasa sa industriyang ito. Gayunman, sang-ayon tayong mas mahalaga pa rin na hindi na kumalat pa ang nCoV.
Maaaring pagkakataon na rin ito para palakasin pa ang ating domestic tourism.
Kasabay nito, kailangan na ring maglatag ng mga plano, ‘ika nga, paghandaan ang worst case scenario. Huwag sana itong mag-iwan ng grabeng epekto sa ating turismo.
Naniniwala tayong malalampasan din natin ang nCoV, kailangan lang magtulungan at unawain ang sitwasyon.





Comments