top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Traffic nawala dahil sa nCoV, negosyo at turismo, lugi naman

  • Ka Ambo
  • Feb 8, 2020
  • 1 min read

HINDI nagpapakita sa publiko si Chinese Pres. Xi Jinping. Baka nakudeta na?

****

MAY mga nagtatanong kung biological warfare ba ang Ikatlong Digmaang Pandaigdig? Kawawa naman ang mga sibilyan!

****

SA Capas, Tarlac itatago ang mga Pinoy mula sa Wuhan, China. Pero pumalag ang mamamayan at sangguniang bayan. Naloko na!

****

HINATULAN ng Sandiganbayan sa kasong graft ang dating ehekutibo ng MRT. Beh, buti nga!

****

AYON sa Pinoy exchange student, naipit sila sa Fujian, China. Gumagrabe na ang sitwasyon sa naturang lalawigan kahit malayo sila sa Wuhan!

****

WALA nang trapik sa Metro Manila. Marami na ang natatakot at ayaw gumala!

****

RAMDAM na ang pagtumal ng negosyo, lalo na sa mga palengke at mall. Umiiwas ang mga konsiyumer na lumabas ng bahay!

****

MARAMI na ring negosyo ang nagpaplanong magsarado. Matumal ang bentahan ng mga produkto!

****

BANGKAROTE ang turismo at maging ang merkado. Higit na itong mararamdaman sa pagsapit ng Mayo, Hunyo, Hulyo at Agosto. Mag-ipon tayo, mga kapatid!

****

MAY human-to-human transmission ng nCoV sa Singapore. ‘Yan ang delikado!

****

PINAIIWASAN na ang pagdalo sa mga okasyon. Huh, sino ang kakain ng handa sa birthday mo?

****

BAKIT hindi inililibre ang face mask, gamot, vitamins, guwantes at alcohol ng mga senior citizens? Kapag tinamaan ng nCoV ang senior citizen, maaaring 50-50 para mabuhay ang tsansa ng mga ito!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page