Isa pang binabantayan sa nCoV, patay — DOH
- Madel Moratillo
- Feb 8, 2020
- 1 min read

Kinukumpirma ng Department of Health na isa pang patient under investigation (PUI) sa nCoV ang namatay.
Ayon kay DOH Usec. Eric Domingo, ang PUI ay binawian ng buhay dahil sa pneumonia na may underlying restrictive lung disease at nakumpirma lamang ito kahapon.
Matatandang, ang unang PUI death ay isang 29-anyos na Chinese mula sa Wuhan, China, na immunocompromised at HIV positive ang natukoy na namatay dahil sa pneumonia.
Ang dalawang PUIs na binawian ng buhay ay kabilang sa 215 PUIs na natukoy ng DOH, kabilang dito ang tatlong confirmed cases na ang isa ay namatay na rin.





Comments