Bistadong kolorum.. 7 Angkas at SAMPA riders, arestado

Photo: Department of Transportation
Pitong kolorum na motorcycle taxi riders na nagsasagawa ng operasyon sa Metro Manila ang naaresto ng Other Law Enforcement Agencies o OLEAs. Ayon sa OLEAs, mayroon silang mga undercover informant na nag-book sa Angkas upang ma-check ang safety gear at dokumento ng rider.
Hanggang sa matuklasan ang mga ito na hindi kasama sa accredited masterlist ng Technical Working Group ng Department of Transportation.
May naaresto rin umano mula sa SAMPA na hindi kasama sa Motorcycle Taxi Pilot Implementation.
Nabatid na lima sa mga naaresto ay Angkas riders na hindi kabilang sa isinumiteng listahan ng Angkas para sa pilot testing ng motorcycle taxi habang ang dalawa naman ay mga SAMPA rider.
Nanawagan naman si Department of Transportation Secretary Arthur Tugade sa mga hindi kalahok sa pilot study na huwag manggulo upang maging maayos ang pagpapatupad nito. ()





Comments