top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Victorious Colt vs. Goldsmith, Metamorphosis

  • Ding Taboy
  • Feb 7, 2020
  • 1 min read

RENDA at LATIGO

Aalagwa ngayong araw ang ‘Additional One Win in Group Races’ na binubuo ng anim na karera sa San Lazaro Leisure Park (SLLP) sa Malvar, Batangas.

Kasabay nito magaganap ang Super Six carry over – P25,565.81 sa Condition Race (21). Kasamang aalagwa ngayon ang Pick 6 at Pick 5, kasabay nito titikada rin ang Trifecta, Quartet at Pentafecta.

Sa Race 1, panimula ng Pick 6 pinapaboran ang Lucky Saver at makakalaban ang Rainbow Song sa mga kalahok na dehado isama ang Daughter Of D’ Dragon at Magnifico, Marino ng Tanglaw at Single Flower sa Quartet at Pentafecta.

Sa Race 2, umpisa ng Pick 5 sa pag-alagwa ng Condition Race (15) at magkakalaban ang Ambet Ko To, TwoTimer at Best Regards. Sa Race 3, magsisimula ang Pick 4 sa Condition Race (18) maglalaban ang mga kalahok na Shout For Joy, Mellifluous, Miss Marshall at Hail Storm.

Magaganap ang labanan ng tatlong magagaling na mananakbo at ito’y pangungunahan ng Goldsmith, Victorious Colt, at Metamorphosis sa Race 4.

Magandang laban ang masasaksihan ng Bayang Karerista sa pagtulak ng Condition Race (16) sa pagitan ng Early Bird at Mandatum sa Race 5.

Sa Race 6, nakalalamang ang Baling Rikit habang makakalaban ang Strong Leader at isama sa Quartet, Pentafecta at Super Six ang Galing sa Mabait, Double Rock, Precious Jewel at Quick Step. Kasabay nito magaganap ang carry over sa Super Six na P25,565.81.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page