top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Total deployment ban sa Kuwait, binawi na ng DOLE

Madel Moratillo
Feb 7, 2020
1 min read

Binawi na ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang ipinatutupad na total deployment ban sa Kuwait.

Gayunman, sa kabila nito, nilinaw ni Labor Sec. Silvestre Bello III na mananatili ang partial deployment ban sa nasabing bansa.

Dahil dito, ang mga skilled, semi-skilled at professional workers ay maaari nang makabalik sa Kuwait subalit, ang mga Household Service Workers (HSWs) ay hindi pa rin pinahihintulutan.

Aminado ang kalihim na sa ngayon ay may mga pag-aaral ng ginagawa sa posibilidad na maging permanente na ang pagbabawal sa pagpapadala ng HSW sa Kuwait.

Una nang ipinagbawal ang pagpapadala ng mga OFWs sa Kuwait kasunod ng pagkamatay ni Jeanelyn Villavende.

Gayunman, matapos masampahan ng kasong murder ang mga employer ni Villavende ay nagdesisyon ang DOLE na bawiin na ang total deployment ban at magpatupad na lamang ng partial ban.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page