top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Private cars na isasakay ng barko, kailangan ng PNP clearance bago madala sa ibang lugar

Persida Acosta
Feb 7, 2020
2 min read

Dear Chief Acosta, Ako ay may-ari ng Sedan na sasakyan. Ngayon, nais ko sana itong dalhin sa Bacolod para magamit ng mga kamag-anak ko roon ngunit, ang sabi sa akin ng isa kong kaibigan ay kinakailangan ko raw munang kumuha ng clearance mula sa Philippine National Police (PNP) bago ito maisakay sa barko. Totoo ba ‘yun? - Arnold

Dear Arnold, Para sa inyong kaalaman, ang inyong katanungan ay tinatalakay sa Republic Act No. 10883 o mas kilala sa tawag na Anti-Carnapping Act of 2003. Nakasaad sa Section 13 ng nasabing batas na:

“Sec. 13. Clearance Required for Shipment of Motor Vehicles, Motor Vehicle Engines, Engine Blocks, Chassis or Body. – The Philippine Ports Authority (PPA) shall submit a report to the PNP within seven (7) days upon boarding all motor vehicles being boarded the “RORO”, ferry, boat, vessel or ship for interisland and international shipment. The PPA shall not allow the loading of motor vehicles in all interisland and international shipping vessels without a motor vehicle clearance from the PNP, except cargo trucks and other trucks carrying goods, Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB)-accredited public utility vehicles (PUV) and other motor vehicles carrying foodstuff and dry goods.” [Binigyang-diin.]

Malinaw sa nabanggit na probisyon ng batas na hindi maaaring payagan ng Philippine Ports Authority (PPA) ang pagbibiyahe ng mga sasakyan na lulan ng barko kung walang clearance mula sa PNP.

Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa isang abogado.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page