top of page
SHEET - CLAUDINE, NAPIKON NA TINAWAG NA BIPOLAR, MAGDEDEMANDA_FB Claudine Barretto.jpeg

Paghanap sa mga posibleng may nCov, bilisan

Mylene Alfonso
Feb 7, 2020
1 min read

Inatasan ni Senador Christopher ‘Bong’ Go ang Department of Health (DOH) na mabilis na hanapin ang iba pang pasahero ng eroplano na nakasama at nakasalamuha ng dalawang Chinese national na nagpositibo sa nCoV.

Nais ni Go, na siyang chairman ng Senate Committee on Health na mailagay sa persons under investigation ang mga nakasama ng dalawa para mabatid kung nahawaan sila o hindi.

Sa ngayon, tumutulong na rin sa DOH ang pamunuan ng Philippine Airlines, PNP-CIDG at iba pang ahensiya ng pamahalaan para mabilis na mahanap ang mga nakasabay ng dalawa sa eroplano.

Nangako naman si DOH Sec. Francisco Duque na gagawin ang lahat para mahanap at ma-account lahat ng pasahero ng eroplano at iba pang nakasalamuha ng dalawang Chinese. Humihingi na rin ang DOH ng emergency funds para sa pagbili ng mga face mask at iba pang gamit na kailangan ng mga health workers at mga taong mababa ang resistensiya para hindi sila kapitan ng sakit.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page