OFW sa Dubal, patay sa coronavirus
- Madel Moratillo
- Feb 7, 2020
- 1 min read

Isang 58-anyos na Pinay household service worker sa Dubai ang namatay dahil umano sa coronavirus.
Ito ang kinumpirma ni Labor Sec. Silvestre Bello III matapos makarating ang impormasyon sa kanya mula sa ating Labor Attache sa Dubai.
Ayon kay Bello, nakumpirma na coronavirus ang ikinamatay ng Pinay noong Pebrero 2.
Aniya, ang bangkay ng nasabing OFW ay ike-cremate.
Aasestihan naman ng gobyerno ang kapatid at anak ng nasabing OFW para makapunta sa Dubai.
Ang nasabing Pinay ay may 28 taon na umanong nagtatrabaho sa nasabing bansa.
Sa ngayon, hindi pa matukoy kung saan nakuha ng Pinay ang sakit na ikinamatay nito.
Ang mga employer naman nito ay wala umanong travel history sa China.





Comments