May sakit, gumagaling; walang pangarap sa buhay, yumayaman etc... Mga nagagawa ng pag-ibig sa buhay
- Sr. Socrates Magnus II
- Feb 7, 2020
- 2 min read
Bigyang-daan natin ang iba’t ibang klase ng pag-ibig o love.
Malapit na ang Araw ng mga Puso o Valentine’s Day. Hindi maiiwasan na maitanong kung ano ang tunay na kahulugan ng love, as in, what is love?
Dahil dito, napapanahon na pag-usapan natin ang tungkol sa pag-ibig. Para sa marami, “Love knows no boundaries.” Makikita ang katotohanang ito sa marami nating kapwa Pinoy na na-in love sa foreigner sa pamamagitan ng pakikipag-chat sa social media at marami rin ang nakapag-asawa ng ibang lahi dahil sa kanilang pag-a-abroad.
Marami rin ang nagsasabing “Age doesn’t matter.” Makikita natin ang katotohanang ito sa mga nakapag-asawa ng mas matanda o mas bata sa kanila. Ang iba pa ay talagang sobrang laki ng agwat ng kanilang mga edad.
Kung babanggitin din natin ang mga nakikita nating matatanda na nagmamahalan pa o nagkakaroon ng relasyon, masasabi nating totoo ang age doesn’t matter pagdating sa pag-ibig.
Ngayong papalapit na ang Valentine’s Day, nag-uunahan ang mga TV programs na hanapin ang mga mag-asawa na ang age gap ay talaga namang nakagugulat. Hinahanap din nila ang mga magkakarelasyon na masasabing nakapagtataka dahil ang nagmahalan ay sobrang matatanda na.
Hinahagilap din nila ang mga magkakarelasyon na tulad ng nabanggit na nagmamahalan ay sobrang bata pa at ang isa naman ay may edad na.
Kaya sa ating mga Pinoy, kakaiba ang Valentine’s Day dahil para bang gulung-gulo ang lahat ng dahil sa salitang “love”.
May nagsasabi na ang “Love is like a rosary that is full of mysteries” dahil sa dasal na pagrorosaryo, nandu’n ang misteryo sa hapis at tuwa. Ang salitang “hapis” ay salita sa lumang Tagalog at ngayon, ito ay nangangahulugan ng lungkot o lungkot na napakahirap sa kalooban at isipan. Minsan, pati sa pisikal na katawan ay makikitang “hapis na hapis”, as in, pumangit na ang mukha dahil sa kabiguan sa pag-ibig.
Ang salitang “tuwa” ay talagang nakatutuwa dahil ligaya at saya ang nararanasan. Sa totoo lang, ang saya ay nakapagpapabata, kaya nga love makes a man or woman more younger than their ages.
Mayroon ding nagsasabi na love is the most powerful medicine dahil may ilang may malulubhang karamdaman na nang ma-in love ay gumaling, lalo na ang mga may sakit sa balat na nang magmahal ay hindi lang nawawala ang sakit kundi kuminis pa ang kutis.
Mahirap ding paniwalaan na ang mga may sakit na asthma o hika ay gumaling din nang sila ay natutong magmahal.
Pero ang madaling paniwalaan ay ang mga taong walang pangarap sa buhay, pero nang ma-in love ay mabilis na nagsiyaman at lumaki ang kabuhayan.
Dahil dito, “Love makes wonder in our life!”
(Itutuloy)




Comments