top of page
Pokwang.jpg

Kontra nCoV.. Manonood ng concert sa MOA, checkup muna

Gina Pleñago
Feb 7, 2020
1 min read

Sa kabila ng kumakalat na 2019 novel coronavirus acute respiratory disease, tuloy ang nakatakdang con­cert sa siyudad ngayong Pebrero, ito ang inihayag kaha­pon ni Pasay City Ma­yor Imelda ‘Emi’ Calixto-Rubiano.

Isang memorandum ang inisyu ni Rubiano para sa imple­mentasyon ng security measures sa mga event upang maiwasan ang pagkalat ng virus at matiyak na ligtas ang mga concertgoers.

Inatasan ang mga orga­nizers at promoters ng Seven­teen K-Pop boy band con­cert na gaganapin sa SM MOA Arena sa Pebrero 8, na siguruhin ang kaligtasan ng kanilang patrons/au­diences, performers at lahat ng sangkot sa kaganapan, buhat sa nasabing virus at iba pang usapin sa pangka­lusugan.

Inaasahang 8,000 hang­gang 9,000 concertgoers ang manonood sa nasabing kon­siyerto.

Kabilang sa mga inire­komendang hakbang o mea­sures ang paggamit ng fore­head infrared thermometers at probisyon ng hand sani­tizers sa mga instratihikong lugar sa event venues ga­yundin ang maintenance ng kalinisan sa kanilang bisi­ni­dad at wastong pagtatapon ng basura.

Pinayuhan din ang mga manonood na agahan ang pag­­punta sa venue dahil sa­sailalim muna sila sa in­terview kaugnay ng kanilang ‘travel history’.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page