Huli sa akto sa mall.. Magkapitbahay, kulong sa P3.4-M shabu
- Janice Baricuatro
- Feb 7, 2020
- 1 min read

Nasabat ng Dasmariñas Police at PDEA 4-A ang magkapitbahay na bigtime tulak sa isang parking lot ng kilalang mall sa Lungsod ng Dasmariñas sa Cavite, kamakalawa ng hapon.
Nadakma ang mga suspek na sina Teresita Dalisay, nasa hustong gulang at Ramil Sigalat, kapwa residente ng Bgy. Salitran, Dasmariñas, Cavite.
Alas-5:30 ng hapon nang ilatag ang buy-bust operation laban sa dalawang suspek.
Kasama ang ilang miyembro ng PDEA 4-A, napagkasunduan na isagawa ang bilihan sa parking lot ng isang mall sa Bgy. Salitran 2.
Isa sa grupo ang nakipag-deal sa mga suspek at umiskor ng shabu.
Nabatid pa na ilang beses na umanong nakakaiskor ng droga ang tumayong scorer sa mga suspek bilang parte ng surveillance sa mga ito.
Habang isinasagawa ang bilihan, dito na ito pinaligiran ng grupo at nakuha sa magkapitbahay ang nakabuhol na plastic ng yelo na nakasiksik sa medyas na naglalaman ng mga shabu na aabot sa halagang P3.4 milyon.
Narekober din sa mga ito ang buy-bust money at 2 units ng cellularphone na gamit sa kanilang transaksiyon.





Comments