top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Ex-MRT Chief Vitangcol, guilty sa graft

V. Reyes
Feb 7, 2020
1 min read

Hinatulang guilty sa kasong katiwalian at paglabag sa Procurement Law si dating MRT General Manager Al Vitangcol III at ang PH Trams Incorporator na si Arturo Soriano. May kinalaman ang kaso sa paggawad ng kontrata sa maintenance ng MRT Line 3 sa hindi kuwalipikadong joint venture ng PH Trams at CB&T. Sa 45-pahinang desisyon, sinentensiyahan na makulong ng anim hanggang walong taon sina Vitangcol at Soriano at diskuwalipikado rin sila sa paghawak ng anumang posisyon sa gobyerno matapos madiin sa kasong graft.

Katulad na parusa rin ang ipinataw sa dalawa dahil naman sa paglabag sa Procurement Law.

Ayon sa Anti-Graft Court, natukoy na may hindi magandang motibo si Vitangcol nang mabigo itong ibunyag na kanyang uncle-in-law si Soriano, na dapat sana ay agad nang diskuwalipikado sa proseso ng bidding. Tinukoy ng Sandiganbayan ang 2009 Revised Implementing Rules and Regulations ng Procurement Law na malinaw na nagtatakda na awtomatikong diskuwalipikado sa bidding ang sinumang kaanak ng mga opisyal at empleyado ng gobyerno. Si Soriano ay tiyuhin ng asawa ni Vitangcol.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page