'Crater glow' namataan.. Senyales ng posibleng pag-alburoto ng bulkan
- Bulgar Online
- Feb 7, 2020
- 1 min read

Manila — Kamakailan lang ay may naobserbahang “crater glow” sa Bulkang Mayon. Ayon sa chief volcanologist, sinasabing isa itong senyales na maaaring magkaroon ng mga aktibidad o kaya nama'y mag-alburoto ito.
Ayon kay Phivolcs Dir. Renato Solidum, maaring ang naganap na pag-liwanag sa crater ng bulkan ay dulot na rin ng pagtaas ng magma o kaya'y pag-akyat ng mga nagbabagang bato tungo sa bunganga nito.
Dagdag pa, na kadalasan ang magma ay namumuo lang, ngunit nagkakaroon lamang ito ng pagliwanag, na puwedeng magsilbing pahiwatig o isang senyales na maaring magkaroon ng aktibidad ang bulkan.
"Mayroon iyan pamumula ng bulkan o crater glow at minsan iyong crater niya, may pag-umbok na mapapansin bago magsimula ng panibagong eruptive activity," Ayon pa kay Solidum.
Gayunpaman, patuloy ang pag-oobserba sa mga magiging pagbabago at takbo nito at ayon sa Philvolcs ay mananatiling nakataas sa Alert Level 2 ang Mayon Volcano.





Comments