Batang Pinoy, PNG at Children’s Games, kanselado

Kinansela ng Philippine Sports Commission (PSC) ang Batang Pinoy, ang Philippine National Games (PNG), at iba pang sports events bunga ng global outbreak ng 2019 novel coronavirus (2019-nCoV).
Ayon kay PSC chair William Ramirez ang dalawang national sporting events, maging ang National Sports Summit 2020 at ang Children’s Games ay ililipat na lamang ng ibang petsa. Inirekomenda ng PSC ang postponement ng pagho-host ng bansa sa 10th ASEAN Para Games sa Marso 20 hanggang 28. “The board discussed the current situation, and we have decided that we are postponing major events of the PSC as a safety measure against the novel coronavirus,” ani Ramirez sa isang media conference kahapon sa Rizal Memorial Sports Complex.
Ang mga seminars at iba pang pagtitipon na lampas sa may 40 katao ay hindi rin pahihintulutan. “We have a board resolution advising the Paralympics to possibly postpone the games,” ayon kay Ramirez.
Samantala, may nadagdag sa mga naunang eskuwelahan sa US na nagnanais na makuha upang maglaro sa kanila kay Pinoy youth basketball standout Kai Sotto. Ang Boston College ang pinakabagong eskuwelahan na nagpahayag ng interes na makuha ang serbisyo ng 7-foot-2 center.
Kinausap kamakailan ang 17-anyos na si Sotto at ang pamilya nito nina Boston Eagles coaches Jim Christian at Billy Wuczynski. llan sa mga kilalang dating manlalaro ng Boston College ay sina Jared Dudley ng LA Lakers at Reggie Jackson ng Detroit Pistons gayundin sina Ky Bowman ng Golden State Warriors at Jerome Robinson ng LA Clippers.
Panglima na ang Boston College sa mga eskuwelahan na kumausap sa kampo ni Sotto para sa posibilidad na maglaro sa kanila ang dating UAAP Juniors MVP.





Comments