top of page
Pokwang.jpg

Pinoy seafarer, positibo sa nCoV

Madel Moratillo
Feb 6, 2020
1 min read

Kabilang ang isang Pinoy seafarer sa 10 katao na nagpositibo sa nCoV sa isang cruise ship na nakadaong sa Japan.

Ang nasabing Pinoy ay crew ng Diamond Princess cruise ship. Kabilang din sa mga nagpositibo sa nCoV ang isang Amerikano, 2 Australians, 3 Japanese at 3 Chinese nationals na mula sa Hong Kong. Ang 9 na sakay ng barko na nagpositibo sa nCoV ay ililipat sa isang ospital sa Japan.

Ayon sa DFA, nakikipag-ugnayan na sila sa Embahada ng Japan para alamin ang sitwasyon ng mga Pinoy doon.

Ang nasabing cruise ship ay naka-dock sa Yokohama Bay at naka-quarantine ng 14 na araw. Nabatid na nasa 2,666 ang guests ng barko habang nasa 1,045 umano ang crew nito.

Ang barko ay naka-lock down matapos bumaba ang isang 80-anyos na pasahero mula Hong Kong at makumpirmang positibo sa nCoV.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page