top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

nCoV victim no. 3 sa ‘Pinas

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 6, 2020
1 min read

Kinumpirma ng Department of Health (DOH) ang ikatlong kaso ng 2019 novel coronavirus acute respiratory disease sa bansa.

Ayon kay DOH Usec. Eric Domingo, ito ay ang 60-anyos na babaeng Chinese na dumating sa bansa noong Enero 20. Dumating ito sa Cebu mula Wuhan, China via Hong Kong na agad ding bumiyahe patungong Bohol.

Gayunman, paglilinaw ni Domingo, bagamat, masama na ang pakiramdam ng nasabing pasyente nang dumating sa bansa ay wala naman itong lagnat.

Noong Enero 22 ay nagpakonsulta ito sa isang pribadong ospital sa Bohol dahil sa lagnat at sipon. Agad itong in-admit at in-isolate. Dalawang beses pa itong kinuhanan ng sample noong Enero 23 at 24.

Ang sample na nakuha sa pasyente noong Enero 24 ay ipinadala sa laboratoryo sa Australia at sinuri rin sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) at ang resulta ay negative ito sa nCoV. At noong Enero 31, sakay ng Air Asia flight ay bumiyahe na ito pabalik sa China.

Nitong Lunes, ipinaalam ng RITM na isinailalim nila sa re-testing ang sample mula sa pasyente na nakuha noong Enero 23 at dito lumabas na nagpositibo sa nCoV ang pasyente.

Ayon kay Domingo, lahat ng kasama ng nasabing pasyente na dumating sa bansa ay hindi naman nagkasakit.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page