top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Mag-asawang edad 63 at 66, dedo sa sunog

V. Reyes
Feb 6, 2020
1 min read

Hindi na nakalabas nang buhay ang mag-asawang senior citizens sa gitna ng nasusunog nilang bahay sa Bgy. Kaligayahan, Novaliches, Quezon City, kahapon.

Kinilala ang mga nasawi na sina Cresencio Catig, 66, at Salvacion Catig, 63.

Natagpuang patay ang mag-asawa sa loob ng kanilang banyo at pinaniniwalaang namatay ang mga ito dahil sa suffocation. Patay din sa sunog ang tatlong aso ng mag-asawa.

Nabatid mula kay Asuncion Catig-Binuloga, kapatid ni Cresencio, na nasa ibang bansa ang dalawang anak ng mag-asawa kaya sila lamang ang naiwan sa bahay.

“Wala tayong alarma, napatay agad ang apoy. Nagkataon lang na hindi nakalabas ang mga biktima kasi sa exit mismo ang sunog,” ani Marvin Mari, Fire Senior Inspector ng BFP-Quezon City.

Patuloy namang iniimbestigahan ang pinagmulan ng apoy.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page