top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Estudyante, 3 pa tiklo sa P10-M shabu

Maeng Santos
Feb 6, 2020
1 min read

Mahigit P10 milyong halaga ng shabu ang nasamsam sa apat na umano’y bigtime drug pushers kabilang ang isang estudyante na natimbog sa buy-bust operation ng mga pulis sa Malabon City, kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ni Malabon Police Chief P/Col. Jessie Tamayao ang naarestong mga suspek na sina Remel de Jesus, 29; Jufirst Soguilon, 26, estudyante; Jhay M. Camposano, 31, at kanyang live-in partner na si Rizza Mae Pabon, 20.

Ayon kay PSSG Jerry Basungit, alas-4:00 ng madaling-araw nang isagawa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Capt. Johnny Baltan sa ilalim ng pangangasiwa ni Col. Tamayao ang buy-bust operation kontra sa mga suspek sa kahabaan ng Aquino Road, Bgy. Tugatog, sa koordinasyon sa PDEA matapos ang mahigit isang buwang surveillance operation.

Nagawang makipagtransaksiyon ng pulis na nagpanggap na buyer ng isang sachet ng shabu kay De Jesus kapalit ng P20,000 marked money at nang magkaabutan, agad sumugod ang back-up na mga operatiba saka sinunggaban ang mga suspek.

Nakumpiska sa mga suspek ang isang Chinese tea- pack, 2 medium sachets at 11 small sachets ng shabu na nasa halagang P10,101,060, buy-bust money at Nissan X-Trail.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page