top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Divorce bill, lusot na sa komite sa kamara

V. Reyes
Feb 6, 2020
1 min read

Nakalusot na sa House Committee on Population and Family Relations ang panukalang absolute divorce at dissolution of marriage sa bansa.

Ito ay matapos igiit ni Albay 1st District Rep. Edcel Lagman ang Rule 48 na nagsasaad na maaaring agad na aprubahan ang isang panukala kung ito ay napagtibay na sa ikatlo at pinal na pagbasa noong nakaraang 17th Congress.

Isang technical working group (TWG) na pangungunahan ni Rep. Lagman ang binuo upang pag-isahin ang tatlong panukalang-batas tungkol sa diborsiyo kasama na ang mga position paper ng iba pang stakeholders.

Ayon kay Rep. Lagman, target nilang makapagsumite ng committee report bago matapos ang Pebrero.

Nanindigan ang kongresista na hindi makasisira sa institusyon ng pamilya kung maisabatas ang diborsiyo sa bansa. Sa halip ay maaayos pa aniya nito ang sitwasyon ng pamilya lalo na’t ang mga anak ang nagiging biktima ng hindi na pagkakasundo ng mag-asawa.

Isa rin umano sa maitutulong ng Divorce Law ay ang pagkakaroon ng mas maayos na kustodiya ng mga anak. Mayroon na aniyang mga pag-aaral na isinagawa kung saan lumabas na nananatiling matagumpay sa buhay ang mga anak na may hiwalay na mga magulang.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page