top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Coronavirus, hindi nabubuhay sa mainit na temperatura, ‘Pinas ligtas

Ka Ambo
Feb 6, 2020
2 min read

Ang virus ay hindi nagagamot.

Ito ay kusang naglalaho.

Malaki ang tama ni P-Digong!

◘◘◘

NAGYEYELO ang mga lugar sa China.

Malamig na klima ang breeding period ng alinmang virus.

At ‘yan ang nararanasan ng China!

◘◘◘

MALAMIG din sa Pilipinas at tatagal ito hanggang sa ikatlong linggo ng Pebrero.

Sa pagpasok ng Marso, muling titindi ang init ng araw!

◘◘◘

HINDI maaaring mabuhay ang alinmang virus sa matinding init ng panahon.

Sa tag-araw, kusang maglalaho ang virus!

◘◘◘

NILALAGNAT ang pisikal na katawan upang mag-init ang temperature.

‘Yan mismo ang likas na depensa ng katawan ng tao.

Kailangang lagnatin ang tao upang kusa nitong matalo ang virus!

◘◘◘

KAPAG nilalagnat, ito ang unang sintomas na dumedepensa ang katawan ng indibidwal.

Ito ay ang unang batayan ng mga doktor na maysakit ang tao — at ito ay indikasyong lumalaban ang immune system!

◘◘◘

MAS maraming pagkakataong tinatalo ng immune system ng tao ang mga virus at bacteria.

Pero may mga taong may mahihinang immune system, kahit lagnatin sila — hindi nila nagagapi ang virus!

◘◘◘

ANG kabataan, partikular ang mga teenager ay may maiinit na temperature ng katawan, pero ang mga may edad na ay malamig na ang kondisyon ng katawan.

Ang 2019 nCoV-ARD ay nagwawagi lamang laban sa matatanda — dahil mahina ang kanilang immune system at hindi sapat ang “lagnat” para talunin ang virus!

◘◘◘

SA malamig na klima, likas na nag-iinit ang katawan ng tao tulad ngayon.

Ang mababang lagnat ay tinatawag na “sinat” — at ito ang temperatura ng kabataan!

◘◘◘

KUSANG maglalaho ang 2019 nCoV ARD, malaki ang tama d’yan ni P-Digong.

Pero, kapag nagkaroon ng matinding taglamig sa Europa at Amerika — r’yan lilipat ang 2019 nCoV ARD!

◘◘◘

LIGTAS ang Pilipinas sa 2019 nCoV ARD dahil sa ayaw o gusto natin ay makararanas ang mga Pinoy ng matinding init ngayong Marso at Abril.

May face mask o wala, may guwantes o wala — tiyak na tatakbo at matutunaw ang virus mula sa teritoryo ng Pilipinas!

◘◘◘

MAGSISIKSIK ang virus sa lugar na malamig tulad sa mga dambuhalang gusali na air-conditioned.

Sisiksik din ang virus sa may moisture tulad sa maruruming lugar o bangketa at slum area sa Metro Manila!

◘◘◘

KALINISAN at mainit na temperatura ng katawan ang panlaban sa virus.

Masusustansiyang pagkain, bitamina at ehersisyo’t pahinga o sapat na tulog naman ang simpleng panlaban sa epidemya — hindi face mask!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page