China nagpasaklolo.. Gamot sa nCoV galing U.S.
- BRT
- Feb 6, 2020
- 1 min read

Isang state-run Chinese research institute ang nag-apply para sa patent sa paggamit ng isang experimental US antiviral drug, na posible umanong maging gamot sa coronavirus.
Naniniwala ang Wuhan Institute of Virology of the China Academy of Sciences na ang Remdesivir, isang antiviral drug na gawa ng Gilead ay maaaring maging lunas din umano sa 2019 novel coronavirus acute respiratory disease.
Ito ay matapos maiulat na isang pasyente sa Amerika na may coronavirus ang bumuti umano ang kondisyon matapos mag-take ng nasabing gamot na sinasabing para rin sa infectious diseases tulad ng ebola.
“Even if the Wuhan Institute’s application gets authorized, the role is very limited because Gilead still owns the fundamental patent of the drug,” ayon sa pahayag ni Zhao Youbin, Shanghai-based intellectual property counsel sa Purplevine IP Service Co. Napag-alaman na Enero 21 nang i-file ang nasabing request.





Comments