top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Panagbenga Festival at Palarong Pambansa, kanselado dahil sa nCoV

  • Pabs Hernandez III
  • Feb 5, 2020
  • 2 min read

DAHIL SA nCoV, KINANSELA ANG PANAGBENGA FESTIVAL AT NA-POSTPONE NA ANG PALARONG PAMBANSA — Matapos kanselahin ni Mayor Benjamin Magalong ang Panagbenga Festival sa Baguio City ay ipina-postpone na rin ng Department of Education (DepEd) ang Palarong Pambansa dahil sa isyu ng deadly 2019 novel coronavirus o nCoV. Patunay ‘yan na malaking banta ngayon sa bansa ang nCoV, ‘kakatakot!

◘◘◘

PANAWAGANG PAGKAKAISA NI MOCHA, FAKE NEWS — Nang batikusin ng publiko si P-Duterte sa mabagal na tugon sa panawagang magpalabas ng travel ban sa mga turistang Chinese dahil sa paglaganap ng nCoV, nag-post si Mocha Uson sa social media na dapat magtulungan na lang ang lahat at huwag nang haluan ng politika ang tungkol sa kumalat na virus. Akala ng publiko, taos sa puso ni Mocha ang kanyang panawagang pagkakaisa, ‘yun pala ay fake news na naman kasi kinabukasan ay nag-post siya ng “Oust Leni 2020” o panawagang patalsikin sa puwesto sa VP Leni Robredo ngayong 2020, boom!

◘◘◘

MAY PUNTONG MAGALIT SA DILAWAN SI MOCHA—Ang panawagang “Oust Leni 2020” ni Mocha ay nag-ugat sa nakita niya sa social media na “Oust Duterte 2020” o patalsikin si P-Duterte sa puwesto. May puntong manggalaiti sa galit si Mocha sa dilawan na hinala niya ay nasa likod ng “Oust Duterte 2020” kasi kapag nawala sa poder si P-Duterte, awtomatik sibak na siya sa OWWA, mawawalan pa siya ng power sa gobyerno, ha-ha-ha!

◘◘◘

PAG-DIVERT NG P300 MILYONG INTEL FUND SA TANGGAPAN NI HONASAN, BAD! — Nagbitiw sa puwesto si Usec. Eliseo Rio ng Department of Information and Communications Technology (DICT) dahil bad daw ang ginawa ni DICT Sec. Gringo Honasan na pag-divert ang P300 milyong budget ng ahensiya bilang intelligence o confidential funds ng tanggapan ng DICT secretary. Ayon kay Rio, wala sa mandato ng kanilang tanggapan ang magsagawa ng mga intelligence activities tulad ng ginagawa ng mga law enforcement agency na AFP, PNP at NBI. Kung ano ang plano ni Sec. Honasan sa P300 milyong “intel funds” ay dapat ipaalam niya sa publiko upang maalis sa isipan ng mamamayan na sa korupsiyon lang ito mapupunta, period!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page