top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Paglaban sa mga nakahahawang sakit dapat may sistema

Nancy Binay
Feb 5, 2020
2 min read

Nancy Binay / Be Nice Tayo

Nitong Martes, nagpatawag ng hearing ang Senado para malaman kung ano ang pagtugon ng pamahalaan sa 2019 novel coronavirus na umabot na sa ating bansa.

Inihain ng inyong lingkod ang Senate Resolution No. 293 na nagpapatawag ng hearing sa 2019 nCoV upang mabigyan ng katiyakan ang kapanatagan ng loob ng mga kababayan natin tungkol sa nagbabagang issue na ito at para na rin makahanap tayo ng solusyon sa mga maki­kitang kakulangan sa pagresponde sa banta ng virus.

Bilang kasapi ng pamahalaan, batid natin na dapat “voice of reason” tayo pagdating sa ganitong mga isyu. Ngunit, aaminin kong mayroon din akong pangamba da­hil marami pa tayong hindi alam sa bagong sakit na ito.

Kung ibabase sa balitang nagkakaubusan na ng alcohol at face mask sa merkado, masasabi nating marami ang nadadala sa takot sa coronavirus kaya kinakailangang magkaroon ng “reassuring voice” na magpapanatag sa kalooban ng ating mga kababayan. Kailangan nating maipakita na maaasahan natin ang gobyerno.

Sa hearing na ito, inilantad din natin kung posibleng mag­latag ng fully-funded pandemic response infrastructure o whole of government approach na tutugon hindi lang sa nCoV kundi pati na rin sa ibang nakahahawang sakit tulad ng measles at polio na muling lumitaw noong nakaraang taon.

Ang mainam sa ganitong sistema, sa halip na tapal-tapal o improvisation ay napag-aralan at measured na ang pagtugon natin sa sakit. Sa ganitong paraan natin maibabalik ang tiwala ng mga kababayan natin na kaya silang protektahan ng kanilang pamahalaan.

Umaasa tayong sa pagtutulungan natin, mareresolba natin ang banta ng bagong sakit na ito.

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.

Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US! Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page