Mga pasaherong nakatabi ng Chinese na may nCoV, hirap mahanap.. Mga Airlines, sinisi ni DOH Sec. Du

Sinisi ni Department of Health Secretary Francisco Duque III sa mga airline companies kaya nahihirapan umano sa paghanap ng mga pasahero na nakatabi ng Chinese na kumpirmadong may nCoV.
Sa pagdinig ng Senate Committee on Health, kahapon, sinabi ni Duque na dinadahilan umano ng mga airlines ang confidentiality sa pagbibigay ng impormasyon tungkol sa kanilang mga pasahero.
Aniya, ini-invoke umano ng mga airlines ang Data Privacy Act sa mga contact details ng pasahero kaya nahihirapan sa pag-track dahil salat sa impormasyon tungkol sa address at pangalan ng mga pasahero.
Pinabulaanan naman ito ng mga opisyal ng Civil Aeronautics Board, sinabi na sa mga importanteng sitwasyon tulad ng nCoV outbreak ay agad silang nagbibigay ng impormasyon na kinakailangan.
Sa statement naman ng Philippine Airlines, kinontra rin nila ang sinabi ni Duque na nagdaramot sila ng impormasyon tungkol sa mga naging pasahero.





Comments