top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Kahit may banta ng nCoV.. Klase, tuloy — DepEd

Madel Moratillo
Feb 5, 2020
1 min read

Hindi pabor ang Department of Education (DepEd) sa pagsuspinde ng klase dahil sa pangamba sa nCoV.

Paliwanag ni Education Sec. Leonor Briones, hindi naman ang class suspension ang sagot para mahikayat ang mga estudyante na huwag magtungo sa matataong lugar.

Mismong DOH din aniya ang nagrekomenda na hindi kailangang magsuspinde ng klase dahil sa pangamba sa nCoV.

Ang mga estudyante naman aniya na galing sa ibang bansa bago ang travel ban ay pinayuhang mag-quarantine at magpakonsulta sa manggagamot pagdating sa bansa.

Kaugnay nito, sinabi ni Duque na wala pa silang rekomendasyon kung kailangang magsuspinde ng graduation ceremony dahil malayo pa naman ito.

Dahil sa banta ng nCoV, ilang eskuwelahan, partikular ang ilang Chinese schools sa Maynila ang nagsuspinde ng klase.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page