top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Pinoy seaman sa isang Japan cruise ship, positibo sa novel coronavirus

Bulgar Online
Feb 5, 2020
1 min read

Manila, Philippines — 10-katao na lulan ng isang cruise ship ang nasuri at nag-positibo sa novel coronavirus o 2019-nCoV. Isa sa mga ito ay isang Pinoy.

Nakumpirma ang isa sa sampung apektado ng coronavirus sa isang Diamond Princess Cruise ship sa Japan ay isang pinoy seaman na nakitaan na mayroong severe coronavirus sa Japanese cruise ship na naka-quarantine sa Yokohama, Japan.

Tatlo sa mga ito ay mula Hong Kong, tatlo sa Japan, dalawa sa Australia at isa sa Estados Unidos. Nadamay ang cruise ship sa global epidemic. Isang 80-anyos na lalaki sa Hong Kong ang sumakay ng nasabing barko na sinuri at nag-positibo sa novel cornavirus o 2019-nCov. Sumasailalim sa health screening ang lahat ng pasahero na nakasakay sa cruise ship.

Ayon sa Johns Hopkins University's Center for Systems Science and Engineering. Umabot na sa 490 ang nakumpirmang apektado ng coronavirus at 24,000 ang kaso ng mga na-impeksiyon mula sa 28 bansa, kabilang na rito ang China.

Ang bilang ng mga namamatay mula sa 2019-nCov ay umabot na mula sa epidemya ng Severe Acute Respiratory Syndrome sa China noong 2002 at nag-iwan ng 349 patay, Ayon sa ulat ng CNN.

Samantala, ayon sa mga eksperto ang bagong virus ay maaaring lumalala at hirap sa paghinga. May 2% kumpara sa 10% ng SARS at 35% sa Middle East Respiratory Syndrome.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page