Ikatlong kaso ng novel coronavirus sa bansa kumpirmado — DOH

Metro Manila — Isang 60-taong-gulang na babaeng Chinese ang kumpirmado na ikatlong kaso ng 2019-nCoV o novel coronavirus sa bansa, kinumpirma ito ng Kagawaran ng Kalusugan.
Ayon kay Health Usec Eric Domingo ang nasabing Chinese national ay nagpunta ng Cebu City at Bohol dalawang linggo na ang nakararaan ng dumating sa bansa noong January 20 mula Wuhan China.
Parehong negatibo ang naging resulta ng test noong Enero 24 mula sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) sa Muntinlupa City at Victorian Infectious Disease Reference Laboratory in Australia. Ngunit, noong Enero 23 ay namataan itong positibo sa coronavirus.
Ayon kay Domingo inulit ang test noong Enero 24 at nag-negatibo at kalauna'y na-discharge kaya naman nakabalik ito sa kanilang bansa noong Enero 31.
Ngunit, pagdating sa kanilang bansa ay hindi naging maganda ang kanyang kondisyon. Nanatili ito sa kanilang hotel at na-admit sa hospital kinabukasan. Mayroon ding mga kaso sa China na naging negatibo matapos ma-test na positibo sa 2019-nCov.





Comments