Healing priest, nahimatay habang nagte-tennis.. Fr. Fernando Suarez, pumanaw na
- Madel Moratillo
- Feb 5, 2020
- 1 min read

Pumanaw na ang itinuturing na healing priest na si Fr. Fernando Suarez, matapos mahimatay habang naglalaro sa isang tennis tournament kahapon.
Ayon kay Deedee Siytangco, tagapagsalita ni Suarez, kahapon ang unang araw ng tournament kung saan nakapaglaro pa ito ng ilang sets.
Mukha naman umano itong maayos sa unang set ng laro hanggang sa mahimatay sa ikatlong set.
Napag-alaman din na tatlong araw na lang sana ay ipagdiriwang na nito ang kanyang ika-53 kaarawan.
Si Suarez ay kilala dahil sa kanyang healing ministry.





Comments