Titser na naka-study leave, may suweldo pa rin sa loob ng 1 taon
Dear Chief Acosta, Halos dalawang taon na akong public school teacher. Binabalak ko sanang mag-study leave dahil sa personal na dahilan kaya nais kong malaman kung may karapatan bang makatanggap ng suweldo ang guro na naka-study leave? - Nathaniela
Dear Nathaniela, Para sa inyong kaalaman, ang inyong katanungan ay tinatalakay sa Section 24, Republic Act No. 4670 o mas kilala sa tawag na “The Magna Carta For Public School Teachers” kung saan nakasaad na;
“Section 24. In addition to the leave privileges now enjoyed by teachers in the public schools, they shall be entitled to study leave not exceeding one school year after seven years of service. Such leave shall be granted in accordance with a schedule set by the Department of Education (DepEd). During the period of such leave, the teachers shall be entitled to at least sixty per cent of their monthly salary; Provided, however, that no teacher shall be allowed to accumulate more than one-year study leave, unless he needs an additional semester to finish his thesis for a graduate study in education or allied courses: Provided, further, that no compensation shall be due the teacher after the first year of such leave. In all cases, the study leave period shall be counted for seniority and pension purposes.” [Sinalungguhitan at binigyang-diin.]
Ayon sa nabanggit na probisyon ng batas, ang mga guro ng DepEd na naka-study leave ay may karapatang makatanggap buwan-buwan ng katumbas sa 60% o mas higit pa ng kanilang buwanang suweldo sa loob ng isang (1) taon.
Kaugnay nito, marapat ninyong malaman na applicable lamang ito kung ang study leave ng guro ay isang taon lamang. Subalit, kung lalagpas ng isang taon ang study leave ng guro, hindi na siya maaaring makatanggap ng benepisyo sapagkat nililimitahan lamang sa isang taon ang pagbibigay ng ganitong prebilehiyo.
Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa isang abogado.





Comments