Singer, naiinip na, naglabas din ng singsing… KZ, tinapatan ang proposal ng BF
- Melba Llanera
- Feb 4, 2020
- 1 min read

Photo: @tjmusicmonterde
Sa presscon at launching ng mga ambassadors ng National Commission for Culture and Arts, ipinakilala si 2018 Ms. Universe Catriona Gray bilang Arts ambassador at sina Julie Anne San Jose at KZ Tandingan bilang Music ambassadors naman.
Ito na ang pangalawang pagkakataon na kinuha ng NCCA bilang Music ambassador si KZ at kahit na wala pala silang suweldo rito ay masaya at lubos siyang nagpapasalamat na sa dinami-rami ng mga artista at singers ay siya pa ang napili para i-promote ang kultura at sining ng ating lahi.
Sa personal na buhay, na-engaged si KZ sa fiancé na si TJ Monterde nu’ng December 30, 2019. Masayang ibinahagi ni KZ na naganap ito sa 30th birthday ni TJ sa harap ng kanilang pamilya at malalapit na kaibigan.
Nakakatawang kuwento pa ni KZ, nu’ng lumuhod sa harap niya ang fiancé ay lumuhod din siya, sabay labas din ng singsing dahil kundi pala nag-propose ito sa kanya, siya na ang gagawa.
Samantala, isa sa pinakamalapit niyang kaibigan si Yeng Constantino at sa kasong isinampa laban dito ng isang doktor sa Siargao dahil sa aksidenteng kinasangkutan ng asawang si Yan Asuncion ay nakiusap si KZ na sana ay tigilan na ito dahil inaayos na nito ang naging problema at ang mahalaga ay may natutunan ang bawat isa sa nangyari.





Comments