top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms

Horoscope | Pebrero 4, 2020 (Martes)

  • Maestro Honorio Ong
  • Feb 4, 2020
  • 3 min read

Bulgar Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Pebrero 4, 2020 (Martes): Panatilihin mong nakasayad ang mga paa mo sa lupa. Ito ang sik­reto para hindi bumagsak ang mga nasa itaas. Ito ang mensahe ng iyong kapala­ran.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Papaangat ang iyong ka­buhayan ka­hit makaranas ka ng pag-atras. Ang totoo, taas at baba ang agos ng buhay ang tunay na dahilan ng pagkakaroon ng kasaga­nahan. Masuwerteng ku­lay-blue. Tips sa lotto-9-17-20-24-39-35.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Mahi­yain kang tao. Ang katupa­ran ng iyong mga pa­ngarap ay hindi nakukuha sa pagi­ging mahiyain. Ito ang mensahe para sa iyo. Ma­suwerteng kulay-black. Tips sa lotto-11-18-21-25-32-34.

GEMINI (May 21-June 20) - Makipagku­wentuhan ka sa alam mong maraming nalalaman. Mula sa kanya, may makukuha kang magagandang ideya na magagamit mo para lalo kang umasenso. Masuwer­teng kulay-violet. Tips sa lotto-7-19-25-29-35-45.

CANCER (June 21-July 22) - Tanggapin mo na meron kang kahina­an. Ang pagkilala sa sarili ay unang hakbang para sa pagpapa­ganda ng kalagayan. Ito ang mensahe ng iyong ka­palaran. Masuwerteng ku­lay-peach. Tips sa lotto-19-20-25-38-44-46.

LEO (July 23-Aug. 22) - La­banan mo ang katamaran. Ang katama­ran ang tunay na dahilan kung bakit ang makapal na kabang-yaman ay nababa­wasan hanggang sa maubos ang laman. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-3-18-20-21-24-26.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Talas ng isipan ang magbibi­gay sa iyo ng malalaking yaman. Bago kumilos, paganahin mo muna ang iyong isipan. Kung nag­pipilit manghimasok ang damdamin, dapat mo itong pigilan. Masuwerteng ku­lay-brown. Tips sa lotto-3-18-26-28-34-41.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Malaki ang magiging pa­kinabang mo sa handang magbigay sa iyo ng masarap na buhay. Hu­wag mo itong tanggihan dahil ikaw ang magiging ins­pirasyon niya sa kan­yang mga kailangan. Masu­werteng kulay-white. Tips sa lotto-18-28-30-33-36-42.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Bumuo ka ng plano dahil ang ma­gandang buhay ay hindi na­kukuha sa patsamba-tsam­ba lang. Ang mga wa­lang plano sa buhay ay pa­rang dahon na tinatangay lang ng hangin sa kung saan-saan. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-7-10-24-29-31-33.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Iyung-iyo ang araw na ito at ang ilang mga araw na darating ay ganu’n pa rin. Ngayon mo gawin ang mga hindi mo nagawa noon dahil ikaw ay nag-aalin­langan. Masuwerteng ku­lay-yellow. Tips sa lotto-7-10-14-16-25-32.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Uutusan at susunod ka naman kahit labag sa iyong kalooban. Ang maaaring hindi mo alam ay ang katotohanang kapag ikaw ang nag-utos ay ikaw din ang masusunod. Masuwerteng kulay-pur­ple. Tips sa lotto-17-20-21-28-38-40.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag na huwag kang mag-aalin­la­ngan ngayon. Para ma­gawa mo ang mga gusto mo, bili­san mo ang pagkilos at ku­milos ka nang kumilos para hindi makasingit ang pag-aalinlangan. Masu­werteng kulay-pink. Tips sa lotto-6-18-22-25-27-39.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Muli mong su­bukang gawin ang hindi mo nagawa noon dahil nadu­wag ka. Ang kaduwagan ay maglalaho sa araw na ito. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwer­teng kulay-beige. Tips sa lotto-18-21-23-33-38-40

Valentine's date kina Maestro Honorio Ong at Señor Socrates Magnus

Kakaibang date ba ang hanap mo ngayong Valentine’s Day?

Puwes, join ka na sa Valentine promo ng BULGAR kung saan makaka-face-to-face mo na sina Maestro Honorio Ong at Senor Socrates Magnus, babasahin pa nila ang iyong kapalaran ngayong 2020 nang LIVE sa aming Facebook page!

Yes, tama ang narinig mo! Pipili kami ng 5 lucky winners na makakasama nila sa kanilang FB Live sa mismong Feb. 14 para basahin at ipaliwanag ang kanilang magandang kapalaran ngayong Year of the Metal Rat.

Para naman sa mga hindi mananalo, mabibigyan pa rin kayo ng chance na makapagtanong. Manood lang sa FB Live sa February 14, 9 AM to 12 NN sa aming BULGAR FB page at mag-comment ng inyong birthday at tanong nang mabasa ang inyong kapalaran.

So, ‘wag nang mag-esep-esep, join na!

Ipadala lamang ang inyong tanong tungkol sa inyong kapalaran kasama ang inyong birthday, guhit ng palad at selfie kasama ang BULGAR Newspaper hanggang February 7, 2020 sa email add na:

datehonoriosocrates@gmail.com at presto, sasagutin ‘yan face-to-face nina Maestro Honorio at Senor Socrates!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page