top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Hiwalay na ospital para sa mga nakahahawang sakit

V. Reyes
Feb 4, 2020
1 min read

Kailangan ikonsidera ngayon ng pamahalaan na magtayo ng isang ospital na mangangasiwa lamang sa lahat ng kaso ng mga communicable disease o nakahahawang sakit.

Ayon kay Quezon City Rep. Precious Hipolito Castelo, hindi sapat na magtayo lamang ng mga tent para maiwasang ma-contaminate o huwag lumaganap ang nakamamatay na sakit tulad ng 2019 novel coronavirus acute respiratory disease.

Kung mayroon aniyang medical facility para sa contagious illnesses na kumpleto at makabago ang kagamitan at may mga ekspertong hahawak sa sitwasyon ng bawat pasyente, hindi na ito lilikha ng pagpa-panic ng publiko kapag mahaharap sa sitwasyong tulad ng nCoV ARD.

Ani Castelo, kahit may San Lazaro Hospital at Research Institute for Tropical Medicine ng DOH, kulang ang mga ito ng makabagong teknolohiya upang labanan ang mga nakamamatay na virus.

Pareho pa umanong nasa matataong lugar ang RITM at San Lazaro Hospital na hindi naaangkop na lugar upang pangalagaan ang mga nabibiktima ng nakahahawang sakit.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page