top of page
Pokwang.jpg

Habang todo-puri sa ibang anak kay Kiko… Sharon, ayaw paawat, tuloy ang pambu-bully kay KC sa IG

Ador Saluta
Feb 4, 2020
3 min read

Hindi nagustuhan ng ilang ne­t­izens at sinabi nilang “unfair” at mistulang “pasa­ring” sa anak na si KC Concepcion ang lat­est Instagram post ni Sharon Cuneta.

Ang post ay tungkol sa pagiging proud ng Megastar sa sinasabi ni­tong closeness ng mga anak niyang si­na Fran­­kie at Miel Pangilinan. Pero iniugnay ng ilang Ins­tagram followers ni Sharon ang naturang post kay KC.

Si KC, 34, ay anak ni Sharon sa dati niyang asawang si Gabby Concepcion habang sina Frankie at Miel ay anak ng singer-actress sa second husband na si Senator Francis “Kiko” Pangilinan.

May isa pang anak na la­laki sina Sharon at Kiko, ang 10-taong gulang na si Mi­guel na adopted nila.

February 2, 2020 nang i-repost ni Sharon ang tweet ni Frankie kung saan maki­kita ang dala­wang litrato nila ng kapatid na si Miel.

Sa parehong pictures, mahigpit na magkayakap sina Frankie at Miel, ha­bang nasa airport.

Caption ni Frankie sa pi­nagtabing pictures: “Hi peanut… bye peanut.”

Kasabay ng pagku­ku­­wento ni Sharon kung ga­­ano kalapit sa isa’t isa ang magkapatid, ipinali­wanag din niya sa kanyang post kung bakit “Peanut” ang ta­wag ni Frankie kay Miel.

Aniya: “Awww... my two precious girls who are so close that it is enjoyable just watching them do stuff together at home, listening to how happy they are while talking.

“The pic on the left was taken when Kakie arrived home Dec. 18 last year.

“The photo on the right was taken on January 19, just before Kakie left for NY.

“Both taken at the airport.

“Kakie has been calling Yellie her ‘baby Peanut’ since Yellie was in my tummy.”

Mababasa rin sa dulong bahagi ng caption ng singer-actress: “These photos are so sweet.

“These are my loving, good-hearted girls who truly treasure me and our family.

“I am so proud to be their mo­ther!”

Maraming Instagram followers ni Sharon ang pumuri at natuwa sa pagiging malapit sa isa’t isa nina Frankie at Miel. Pero may ilang netizens ang direktang nag-message kay Sharon na magiging “painful and of­fending” para kay KC ang post niyang ‘yun.

Giit ng netizen, “OBVIOUS PO na you are attacking KC.”

May mga nagbintang din sa Megastar ng pagka­ka­roon umano ng “favoritism” sa kanyang mga anak, at mungkahi ng isang neti­zen, “You should treat them equally.”

Sabi naman ng isang ne­tizen “bashing/bullying” ang ginagawa ni Sharon sa sarili niyang anak, at hini­ling na tigilan na ng singer-actress ang pagiging “so dramatic.”

Para naman sa iba, “unfair” kay KC na laging “mag­pasaring” si Sharon sa kanya at ikumpara ito sa mga kapatid. Katwiran ng netizen, magkaiba ang set-up na kinalakihan ni KC at nina Frankie, Miel, at Miguel.

Dapat pa nga raw magpasalamat si Sharon na na­ging “mabuting bata” si KC kahit na “lumaking wa­lang ama.”

Nagkataong nag-post si KC sa Instagram Stories nu’ng Linggo tungkol sa date nila ng amang si Gabby sa isang Japanese restaurant kaya inisip ng ibang ne­tizens na nagselos si Sharon.

Samantala, bagama’t hindi sinagot ni Sharon ang alin­man sa mga komento sa kanyang post, ipinag­tang­gol naman siya ng kanyang mga fans.

Anila, pantay-pantay ang turing ni Sharon sa kan­yang mga anak, kaya hindi tamang i-judge ang ac­tress-singer.

Ang ilan namang fans ni Sharon, direktang ina­kusahan si KC na “binabalewala lang ang ina,” habang sinabi ng isa pa na may “shade” rin umano laban kay Megastar ang mga posts ng panganay na anak.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page