Dahil sa banta ng bird flu.. Meat products mula China, haharangin

Nakaalerto na ang Bureau of Customs sa lahat ng meat products mula sa China.
Ito ang tiniyak ni Customs Assistant Commissioner Philip Vincent Maronilla, kasunod ng banta ng H51N1 bird flu outbreak mula sa China.
Ayon kay Maronilla, bawat kargamentong papasok ay bubusisiin nilang mabuti kung dumaan ito sa masusing pagsusuri at may permit mula sa Bureau of Animal Industry at National Meat Inspection Service.
Nakikipag-ugnayan na rin aniya sila sa Department of Agriculture (DA) hinggil sa isyu.
Una nang napaulat na nagdeklara na ng H51N1 bird flu virus sa Hunan Province sa China matapos mamatay ang libu-libong manok.





Comments