BF na todo-suporta sa luho ng GF, pero dedma sa kanya
Dear Roma, Ako si Abel. Nagtataka lang ako sa girlfriend ko dahil ‘pag kailangan ko ng suporta niya ay hindi niya ako sinusuportahan, lalo na sa mga bagay na kailangan ko, pero kapag sa luho niya, okay lang sa akin hangga’t kaya ko. Nakakatampo lang dahil galit na galit siya sa akin kapag nagsasabi ako. Gayundin, hindi ko na maramdaman kung mahal pa ba niya ako at hindi ko rin siya madiretso sa mga gusto kong sabihin dahil baka isipin niya na nag-iinarte lang ako. Ano ang dapat kong gawin? – Abel
Abel, Mas makabubuting lakasan mo ang iyong loob para masabi mo sa girlfriend mo ang totoong nararamdaman mo. ‘Wag mong hayaan na lumipas lang ito dahil wala itong magandang maidudulot at baka mauwi pa sa samaan ng loob. Isipin mo na para ito sa ikabubuti ng inyong relasyon kaya ‘wag kang matakot. Ang bukas na komunikasyon ang susi sa matagumpay na relasyon. Good luck and God bless!





Comments