Apektado sa nCoV.. OFWs, bibigyan ng tig-P10-K — DOLE

Bibigyan ng tulong ng gobyerno ang mga overseas Filipino workers (OFWs) na apektado ng temporary travel ban sa China, Hong Kong at Macau kasunod ng banta ng 2019 nCoV ARD.
Sa memorandum na pirmado ni Labor Acting Secretary Renato Ebarle, inatasan ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na bigyan ng sampung libong pisong cash assistance, accommodation at transportation ang bawat stranded na OFW dahil sa travel ban.
Umaasa ang DOLE na makatutulong ang halagang ito para matulungan ang mga paalis sanang OFW pabalik sa kanilang pinanggalingang lugar.
Sinabi ni Ebarle na ang mga stranded ay maaaring manatili pansamantala sa OWWA halfway house habang inaayos ang kanilang magiging biyahe pauwi sa kani-kanilang lalawigan.





Comments