top of page
WINNER - VINCENT, NASA ‘PINAS PA RIN, PARENTS, ‘DI NA KAYANG BUMIYAHE PA-SPAIN-FB Circulat

5 klase ng ipinanganak sa year of the rat at dapat gawin para suwertehin

  • Maestro Honorio Ong
  • Feb 4, 2020
  • 3 min read

Bulgar Horoscope

Ituloy natin ang pagtalakay sa ka­palaran ng Rat ngayong 2020 na ayon sa Chinese Astrology ay paghaharian ng animal sign na Rat.

Tandaang may limang klase ang Rat, ayon sa taglay niyang elemento at ito ang aanalisahin natin upang maging gabay para makamit ang tagumpay at wagas na ligaya sa buong taon.

Ang limang uri ng Rat ayon sa taglay na elemento ay ang mga sumusunod:

  • Metal Rat - silang mga isinilang noong 1960 at 2020

  • Wood Rat - silang mga isinilang noong 1924 at 1984

  • Water Rat - silang mga isinilang noong 1912 at 1972

  • Earth Rat - silang mga isinilang noong 1948 at 2008

  • Fore Rat - silang mga isinilang noong 1936 at 1996

Kung ikaw ay isinilang noong 1960, par­tikular mula ika-28 ng Enero, 1960 hanggang ika-14 ng Pebrero, 1961, ikaw ay tatawaging Metal Rat o Bakal na Daga, na kaalinsabay nito, ang taong 2020 ay nasasakupan din ng impluwensiya ng Metal o Bakal na Daga na ang “cycle” o ang pag-ikot ng bawat ele­mental sign ay nagaga­nap tuwing sumasapit ang ika-60 taon.

Bagama’t noong mga nakaraang taon, kailangang-kailangan mo pa ang “hard work” o grabeng pagsisipag at todong pag­sisikap para umunlad at magkapera, pero iba na ngayong 2020.

Sapagkat ang naka­takda sa iyong tad­hana ay magkakaroon ka ng kakaibang suwerte at magagandang ka­pala­ran na hindi na gaanong pinaghihirapan pa, sa halip, ito ay ipagkakaloob sa iyo ng iyong mga ma­lalapit na kamag-anak, ka­kilala, kapamilya o sinumang malalapit sa buhay mo.

Kumbaga, kahit pakanta-kanta at pa­kuya-kuyakoy ka lang sa inyong bahay, ang magandang kapalaran ay parang buhos ng ulan, kusang maglalaglagan sa iyong bu­hay ngayong taong ito ng 2020.

Ngunit sa kabila nito, hindi ka naman dapat labis na ma­tuwa dahil kahit may ma­ta­tanggap kang su­werte at magagandang ka­palaran sa mga taong malalapit sa iyong buhay, may babala rin na kung hindi mo pai­iralin ang pagpa­pasensiya o attitude na ‘wag na lang kumibo, maaaring ang mga malalapit sa buhay mo na ito ang siya ring magbibigay sa iyo ng sama ng loob o maa­aring makagalit o ma­ka­tam­puhan mo nga­yong taong ito ng 2020. Sa ma­daling salita, sa sandaling nagka­samaan kayo ng loob, magpasensiya ka na lang dahil ang totoo na­man nito, ang sa­maan ng loob at hindi pag­kakasundo ngayong 2020 ay lilipas din agad.

Gawin mo ang pagpapasensiya at pagpapakumbaba upang hindi na lumaki pa ang lukot o gusot sa inyong relasyon, sa­pagkat mentras nagkakasundo at nagkaka­unawaan ang buong pamilya, ang suwerte at magagandang kapalaran ay patuloy na darating at bubuhos sa inyong tahanan.

Sa panahong may nakaaalitan o na­katatampuhan, lalo mong ingatan ang iyong kalusugan dahil baka tumaas ang iyong presyon. Kasabay nito, bantayan ang iyong sarili sa mga pagkaing nakasasama sa kalu­sugan upang mapanatili mo ang masaya at parelaks-relaks lang na disposisyon sa bu­hay.

Tandaan din na dahil ang lahat ng bagay ay matuling lumilipas, walang ibang dapat gawin ang Metal Rat upang lumigaya at pa­tuloy na magtagumpay kundi mag-ipon ng pera upang magamit sa emergency at future na pangangailangan. Ikalawa, ingatan ang kalusugan dahil siguradong marami pang suwerte at magagandang kapalaran ang darating sa iyong buhay ngayong taon at sa darating pang mga taon.

Isipin mong ma­buti, paano mo ito mai-enjoy nang sagad at lubos kung may nara­ramdaman ka namang hindi maayos sa iyong pangangatawan? Ibig sabihin, sa tuwina, palagi mong tatandaan na hindi lang “good heath is wealth”, bagkus, ang mas angkop na sabihin ay “good health is happiness”.

Samantala, sa ika-2 hanggang ika-3 ng Pebrero, ganundin sa ika-9 hanggang sa ika-8 at sa ika-23 at ika-24 ng Peb­rero, mas marami at malalaking su­werte at maga­gandang kapalaran ang mahu­hulog mula sa langit, higit lalo sa as­pe­tong may kaugnayan sa pag-ibig at ma­ter­yal na mga bagay.

(Itutuloy)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page