RUNkitek 2 ng PAR, sabay sa 45th UAP

Bunga ng matagumpay na unang edisyon noong nakaraang taon, magbabalik muli ang “RUNkitek 2”, ang fun run ng United Architects of the Philippines (UAP) sa tulong ng Pinoy Aspiring Runners (PAR) ngayong Abril 25 sa SM Mall of Asia bilang bahagi ng kanilang ika-45 na taunang pambansang kombensiyon. Inaasahan na madodoble ang mga lalahok ngayon mula sa 1,000 noong 2019.
Gaya ng dati, layunin ng patakbo ang ipakilala ang kahalagahan ng propesyon ng Arkitektura at ang pagkuha ng tunay at lisensyadong Arkitekto.
Ang mga pondong malilikom sa fun run ay mapupunta sa mga proyekto ng Childhood Foundation na tumutulong sa mga batang lansangan.
Maaring pumili sa 10-km, 5-km o 3-km. May kasamang sublimated t-shirt at numero ang registration fee at lahat ng mga magtatapos ay gagawaran ng medalya.
Tumungo na sa tanggapan ng UAP sa Scout Rallos Street, Quezon City o sa mga sangay ng Garmin sa SM Malls para magpalista at puwede rin sa Facebook page ng “RUNkitek 2”.
May naghihintay na diskuwento para sa mga mag-aaral ng Arkitektura sa kahit anong pamantasan sa bansa.
Kikilalanin ang tatlong pinakamabilis na lalaki at babae sa bawat kategorya.
Bibigyan sila ng tropeo at regalo buhat sa mga sponsor. Nanawagan din ang PAR na magdala ng sariling lalagyan ng inumin upang mabawasan o mawala ng tuluyan ang kalat sa daan pagkatapos ng takbuhan. (A. Servinio)





Comments