Powerful na tao, dapat makihalubilo sa maliliit para hindi napapabagsak nang walang kaalam-alam
- Sr. Socrates Magnus II
- Feb 3, 2020
- 2 min read
Bigyang-daan natin ang mga aral sa buhay na nakuha natin sa alamat ng mga Tsino tungkol sa mga Chinese animal sign. Sa biglang tingin, ang alamat ng mga Tsino sa animal signs ay parang mga kuwentong pambata lang, pero ang totoo, may mga natatagong magagandang aral na kung ating isasabuhay ay magkakaroon tayo ng tagumpay at tunay na kaligayahan.
Sinisimbolo ng Dragon ang kapangyarihan, pero ayon sa mga Tsino, ang nanalo sa karera ng buhay ay ang Rat.
Kaya malinaw na rito sa mundo, ang makapangyarihan ay puwede rin namang matalo. Pero, ano ba talaga ang naging dahilan kung bakit ang powerful na Dragon ay hindi nanalo?
Ang sabi, ang makapangyarihan ay kinakain ng kanilang kapangyarihan na inaakala niya dahil siya ay makapangyarihan, palagi na lang takot sa kanya ang lahat at dahil takot sa kanya, walang nangangahas na siya ay labanan.
Ito ang pagkakamali ng mga may kapangyarihan dahil ang totoo, naging isang kahinaan pa nila na sila ay makapangyarihan kung saan ang kakalaban
sa kanila ay palihim silang lalabanan at siya na makapangyarihan ay magugulat na lang na siya ay naungusan na ng Rat o ng iba pa na lihim na kumikilos.
Kaya kung sinuman ang may kapangyarihan, dapat ay huwag niyang ipasok sa isipan niya na siya ay makapangyarihan dahil dapat siyang makibagay sa mga pangkaraniwan, makisalamuha sa mga nasa ibaba at mabuhay tulad ng karamihan. Kapag ito ay nagawa ng may kapangyarihan, ang mga lihim na pagkilos ay kanyang malalaman dahil ang lahat ay kanyang kapalagayan.
Pero kung pananatilihin niya na sa kanyang isipan na siya ay makapangyarihan, walang mangangahas na kumilos para siya ay maunahan, gayundin, makikita niya ang masaklap na kaganapan, ang kanyang “downfall”.
(Itutuloy)




Comments