top of page
Korina Sanchez-Roxas - IG.jpg

Nagkapikunan.. Kaanak binaril sa bibig, patay

  • Levi Gonzales
  • Feb 3, 2020
  • 1 min read

Patay sa isang tama ng bala ng baril ang isang laborer makaraang barilin ng kanyang kaanak sa Bgy. Lumil, San Jose, Batangas.

Batay sa imbestigasyon, alas-5:30 ng hapon, natutulog sa kanyang silid ang biktimang si Miguel Rodriguez, 60, nang pasukin ito ng suspek na si Arnold

Andal, 39, construction worker, kapwa residente sa naturang lugar.

Ikinasa nito ang hindi pa malamang kalibre ng baril saka ipinasok sa bibig ng biktima sabay pinaputukan at agad tumakas.

Bago naganap ang krimen, nakita pa ang dalawang magkasamang nag-iinuman at dala ng kalasingan kung saan nagkapikunan hanggang sa umuwi ang biktima at sinundan ng suspek.

Patuloy ang pagtugis ng pulisya sa tumakas namang responsable sa krimen.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page