top of page
Pokwang.jpg

Nagkakaubusan dahil sa nCoV.. Mag-import na ng face mask — DTI

Gina Pleñago
Feb 3, 2020
1 min read

Aminado ang Department of Trade and Industry (DTI) na kapos na sa ibinebentang face mask.

Dahil dito sinabi ng DTI na kinakailangan nang mag-angkat tayo sa ibang bansa.

Gayunman, nilinaw ng ahensiya na kailangan muna itong dumaan sa proseso at masuring mabuti ang kalidad ng produkto.

Ayon kay DTI Sec. Ramon Lopez, sinabi ng mga manufacturers ng face mask sa bansa na aabot na lamang sa 50 libo ang kanilang face masks at patuloy na rin sila sa produksiyon nito.

Samantala, muling nagbabala ang DTI sa mga nagbebenta ng face mask na huwag samantalahin ang pagtataas-presyo sa pagbebenta nito dahil sila ay papatawan ng parusa at posibleng kanselahin ang kanilang lisensiya at pagmumultahin ng malaking halaga.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page