Horoscope | Pebrero 3, 2020 (Lunes)

Sa may kaarawan ngayong Pebrero 3, 2020 (Lunes): Aagos sa kapalaran mo ang mga biyaya at pagpapala, gayundin, uubra sa kailangan mo ang mga ito. Ito mismo ang kahulugan ng araw na ito ng iyong pagsilang.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Bawat pakinabang na mapasaiyo, maliit man o malaki ay ingatan mo. Huwag kang tumulad sa marami na dahil sa sinuwerte ay nagsaya at nag-aksaya. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-8-19-20-24-38-45.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kakapal ang laman ng kaban ng iyong yaman kapag napanatili mong magpakita ng kabaitan kahit sa mga taong hindi maganda ang pagtingin sayo. Ito ang mensahe para sa‘yo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-7-18-29-33-36-46.
GEMINI (May 21-June 20) - Hayaan mo lang ang mga lantad na karibal at kaaway mo sa diskarte nila na akala nila ay mauungusan ka nila. Kakapusin sila ng lakas at sigla, kaya nasa iyo ang huling halakhak. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-1-17-28-30-35-44.
CANCER (June 21-July 22) - Muling nagbalik ang mga araw na ikaw ay masuwerte. Muli ring nagbalik ang mga araw na ang mga naiinggit sa iyo ay mapapahiya sa kanilang mga sarili. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-3-16-19-21-28-30.
LEO (July 23-Aug. 22) - Magpapatuloy ang pagtulong mo sa mga lumalapit sa iyo kahit ang ilan sa mga ito ay alam mong hindi marunong magpasalamat. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-6-18-20-22-27-33.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hihina ang loob mo, pero panandalian lang dahil mananaig sa iyo ang hangarin mo na tuluy-tuloy kang aasenso. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-11-16-27-29-38-41.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Unahin mo ang sarili mo kaysa sa ibang tao dahil hindi makabubuti sa iyo ang pagsasakripisyo. Kapag masaya at masigla ka, ang buhay mo ay patuloy na gaganda. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-16-19-25-26-36-39.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag kang patatangay na magsaya sa malayong lugar. Ang mga aktibidad ng tao ay dapat pinaghahandaan at hindi puwedeng biglaan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-7-18-24-28-30-34.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Malakas ka at mananatiling malakas. Ang totoo, kahit isipin mong mahina ka, wala itong talab, lalo na sa marami na ikaw ang sandigan at sandalan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-7-19-24-26-36-39.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Maawa ka dahil ang tao ay dapat may maunawaing puso, pero ang kaaawaan mo ngayon ay paulit-ulit na lang na iyong kinaaawaan. Kailangang gumising ka sa katotohanan. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-4-15-22-27-31-33.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Ngayon, mahina ang damdamin mo, kaya ang mas makabubuti na sundin mo ang isip mo kapag patuloy kang tinalo ng iyong damdamin. Mauulit ang dati, ikaw ay magsisisi. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-6-11-17-21-27-38.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Ngayon ang pagkakataon mo para makalaya sa sitwasyon na alam mong ikaw ay dehado. Magpasya ka kung kalayaan mo ang gusto mo o manatiling alipin. Ano ang pasya mo? Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-5-11-15-26-34-35.

Valentine's date kina Maestro Honorio Ong at Señor Socrates Magnus
Kakaibang date ba ang hanap mo ngayong Valentine’s Day?
Puwes, join ka na sa Valentine promo ng BULGAR kung saan makaka-face-to-face mo na sina Maestro Honorio Ong at Senor Socrates Magnus, babasahin pa nila ang iyong kapalaran ngayong 2020 nang LIVE sa aming Facebook page!
Yes, tama ang narinig mo! Pipili kami ng 5 lucky winners na makakasama nila sa kanilang FB Live sa mismong Feb. 14 para basahin at ipaliwanag ang kanilang magandang kapalaran ngayong Year of the Metal Rat.
Para naman sa mga hindi mananalo, mabibigyan pa rin kayo ng chance na makapagtanong. Manood lang sa FB Live sa February 14, 9 AM to 12 NN sa aming BULGAR FB page at mag-comment ng inyong birthday at tanong nang mabasa ang inyong kapalaran.
So, ‘wag nang mag-esep-esep, join na!
Ipadala lamang ang inyong tanong tungkol sa inyong kapalaran kasama ang inyong birthday, guhit ng palad at selfie kasama ang BULGAR Newspaper hanggang February 7, 2020 sa email add na:
datehonoriosocrates@gmail.com at presto, sasagutin ‘yan face-to-face nina Maestro Honorio at Senor Socrates!




Comments