top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

'Di raw umiinom, pero nag-endorse ng alak… Alden, binanatan ng netizens

  • Nitz Miralles
  • Feb 3, 2020
  • 1 min read

Nitz Miralles / Bida

Nakunan na ang TVC ng isa pang bagong endorsement ni Alden Richards na sa Bangkok pa ang shooting, kaya lumipad sila ru’n ng Kapamilya actress na kasama niyang endorser sa produkto.

Naunang lumipad si Alden at sumunod ang aktres and by this time, nakabalik na sa bansa ang dalawa.

Bawal pang banggitin kung anong produkto ang magkasamang ie-endorse ni Alden at ng Kapamilya actress na bawal pa ring pangalanan. Siguradong masaya si Alden na kahit sa TVC muna, nakatrabaho niya si Kapamilya actress na kung ‘di kami nagkakamali, nakilala na niya rito.

Siguro naman, walang magli-leak ng photo o BTS ng TVC shoot nina Alden dahil sa Bangkok kinunan at walang Pinoy fan na magmamahaderang unahan ang airing ng TVC sa pagpo-post ng photo.

Samantala, final week na ngayong linggo ng The Gift at siguro naman, malalaman na ni Sep (Alden) na si Nadia (Jean Garcia) ang tunay niyang ina at half-brother niya si Jared (Martin del Rosario) na kanyang kaaway.

Nabanggit ni Alden na hindi magtatapos ang friendship nila ng mga co-stars niya sa The Gift sa pagtatapos ng serye, lalo na at ito ang longest teleserye niya at marami silang pinagsamahan.

After ng The Gift, mapapanood naman si Alden na magho-host ng Centerstage with Betong Sumaya. Makakapag-shoot na rin siya ng TVC ng Embassy Whisky na siyempre, ipapakitang umiinom siya ng alak.

Ginagawa itong isyu ng ilang bashers ng aktor. Sabi raw kasi ni Alden, hindi siya umiinom, tapos ngayon ay umamin na umiinom pala at nag-i-endorse pa ng whisky.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page