top of page
Pokwang.jpg

Dahil sa nCoV, utos ni P-Duterte.. Lahat ng dayuhan na galing China, bawal!

Mylene Alfonso
Feb 3, 2020
1 min read

Ipinag-utos na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbabawal na makapasok sa Pilipinas ang lahat ng mga dayuhan na galing sa China at sa Special Administrative Regions nito na Macau at Hong Kong.

Ayon kay Executive Sec. Salvador Medialdea, inaprubahan ng Pangulo ang rekomendasyon ng Inter-agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases para maawat ang paglaganap pa ng sakit na novel coronavirus sa bansa.

Kabilang sa inaprubahan ang mga sumusunod na gudelines na inirekomenda ng task force:

– Temporary ban sa pagpasok sa bansa ng lahat ng dayuhan, na galing sa China, Macau at Hong Kong. Hindi sakop ng ban ang mga Filipino citizens at ang iba pa na holders ng Permanent Resident Visa.

– Temporary ban sa pagpasok sa bansa ng lahat ng dayuhan na may history ng travel sa China, Hong Kong at Macau 14 na araw bago ang kanilang pagtungo sa Pilipinas. Hindi sakop ng ban ang mga Filipino citizens at ang iba pa na holders ng Permanent Resident Visa.

– Pagpapatupad ng mandatory 14 days na quarantine sa lahat ng Filipino at Permanent Resident Visa holders na galing sa China at Special Administrative Regions nito.

– Pagpapatupad ng temporary ban sa lahat ng Filipinos na makabiyahe sa China at sa Special Administrative Regions nito.

– Pagtatayo ng repatriation at quarantine facility. Inatasan ang lahat ng department heads, pinuno ng mga ahensiya at iba pang tanggapan ng gobyerno kabilang ang GOCCs, GFIs, SUCs at LGUs na ipatupad ang naturang mga alituntunin.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page